Okay... Sabado, nagusap kami na maglalaan kami ng panahon ngayon para sa pagaaral ng web at flash (kasi sa Lunes na ang simula ng trabaho nila Alain at Anyo). Nang makarating kamis a bahay nila Anyo, wala pa siya.. dinala niya si Peanuts the Dog sa vet para sa anti-rabies shots niya. Anyway, kila Anyo, wala kami ginawa, habang inaantay siya nagsoftdrinks kami sa isang maliit na tindahan, naglaro ng PSP at wala lang.
Nang dumating si Anyo, nagkaayaan na kumain for lunch. Dapat dun sa naunsiyameng lugar nuong isang linggo pa, sa Philcoa- House of Sisig. Pagdating namin duon, walang traffic... pumasok pa si Alain sa exit area ng Jollibee (yan kase sumuno pa kay Anyo)... sabi ng isang bantay dun nalang sa taas ng isalnd malapit sa entrance ng P kami magpark. Sige, punta dun si Alain, pagpunta dun bigla kami umatras... natakot kasi sila baka maow sasakyan ni Alain- wala sila tiwala dun sa bantay. Ahehehe.
Dumerecho kami sa UP, kumain kami ng Tapsilog sa Rodicks Diner. Paglabas namin sa kainan nakakita ako ng dirty ice cream (panlaban sa init), Bumili si Anyo ng 10pesos na icecream, pos kami nila Alain, Sepoy at ako, yung malaking waffle cone. Ahhehehe. Tapos naghanap kami ng pekeng CD na installer... wala.
AT sa wakas, natupad yung pangungulit ko sa kanila- ANG PUMUNTA SA EVER GOTESCO COMMONWEALTH. Ahihihi. Jologs ko ba? Eh di pa ako nakakarating sa kastilyong mall eh. Curious lang. No choice sila Anyo, pumunta kami dun dahil may hinahanap siya. Buti nakakita siya nung hinahanap niya duon. Naglibot kami sa EVER. Jologs pla dun. Ahihihi. May ilang part na mabaho.... ewan ko kung ilong ko lang yun na nagreact... pero okay naman enjoy parin ang aking trip sa Ever. Ahahaha.
Tapos nun, umalis na kami. Bumalik ulit kami sa bahay nila Anyo, wala lang tambay mode. Napagisipan namin pumunta ng LIbis, may Reggae thing kase. Eh masnangibabaw ang planong bowling.
Para kami nagjoy ride kase mula QC nakarating kami Mandaluyong. Sa Megamall, nagbowling kami. Kampihan. Kakampi ko si Sepoy pos Si Alain at Anyo namna ang nagkampi. Sabi kase nila wawa naman daw si Sepoy. Sino ang nanalo? KAMI!!!! hahahaha... Talo ang team Romano-Anonuevo. Hehehe. Sabi nila next time daw babawi sila. Pero naawa ako sa kanila ng slight kase after nung 3 games na yun parang nadrain yung energy nila. DI na sila masyado umatawa at nagiingay. Malas. Sarado na mga kainan sa Megamall. Saan na kami kumain?
Sa Chowking sa Pioneer Center. Bukas 24 hours a day. Powerhouse kinain nila, gutom na gutom. Hehehe. Ngayon, nasa bahay na ako (obvious ba?) Tapos na ang araw ko. Araw na punong puno ng mga gawaing di talaga pinlano.... hehehe. Ang saya!!!
 | pinagbigyan lng namin kayo... hehehehe... |
| |
|